Si Senador Grace Poe ang unang choice ng kampo ni Manila Mayor Isko Moreno para maging vice president nito.
Gayunman, sinabi ni Lito Banayo, Campaign Strategist ni Isko na hindi pumayag si Poe na maka partner ng alkalde dahil sa personal na relasyon ng pamilya nito kay Senate President Vicente Sotto, III.
Sinabi ni Banayo na ayaw naman nilang pumasok sa isang political marriage at paninindigan aniya ni Isko na si Dr. Willie Ong na ang vice presidentiable nito.
Si ong ay orihinal na kabilang sa senatorial slate ni Isko subalit sinabi ng alkalde na uubra itong maging vice president niya matapos makausap ang doktor.