Aabot na sa 42.1 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok.
Nasa 23,107,813 na ang nakatanggap ng first dose habang 19 023,958 na ang fully vaccinated.
Una nang inihayag ng National Task Force against COVID-19 Chief at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, 61.91% ng total delivered jabs ang binili ng gobyerno;
24.74 % ang donasyon ng ilang bansa sa pamamagitan ng covax facility, 7.74 % ang binili ng pribadong sektor at local government units habang 5.60 % ay mula sa bilateral partners.
Tiniyak naman ni Galvez na patuloy na dinaragdagan ng pamahalaan ang vaccine inventory upang makamit ang target na bakunahan ang hanggang 77 milyong Pilipino sa katapusan ng taon.—sa panulat ni Drew Nacino