Kinuwestyon sa pagdinig sa proposed 2022 budget ng Office of the President ang mga proyekto na nagkakahalaga ng P100 bilyon na hindi maipatupad dahil wala pang approval ng Office of the President.
Ipinaliwanag ni Deputy Executive Secretary Michael Ong na dahil nasa ilalim ng tinatawag na “for later release” o FLR ang nasabing mga proyekto, kailangang fully evaluated muna ito ng DBM bago i-release ang pondo.
Ayon kay Ong, wala rin ang mga proyektong ito sa national expenditure program.
Gayunman, iginiit ni Senator Nancy Binay na siyam na buwan na ang nakalipas at mayroon na lamang tatlong buwan bago matapos ang taon at kung hindi pa nailalabas ang pondo ay ibabalik na ito sa National Treasury.
Bahagyang bumaba ang budget ng OP sa P8.186 bilyon ngayong taon kumpara sa P8.182 bilyon sa panukalang 2022 budget.—sa panulat ni Drew Nacino