Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng mga miyembro ng medical corps bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng health workers.
Sa talk to the nation ng Pangulo kagabi, sinabi nito na maraming health workers ang tinatamaan ng nasabing sakit, habang patuloy namang napupuno ng mga pasyente ang mga ospital.
We have of a … of supply of human resource kaya I am appealing to, one is I am ordering the medical corps of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police… Please place your human resources on ready, on deck because talagang alam mo, ‘yan talaga ang madali kong maasahan,”pahayag ni Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipinag-utos niya na ang pagpapadala ng ilang mga nars sa St. Luke’s Medical Center.—sa panulat ni Hya Ludivico