Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na alinsunod sa Bayanihan to heal as One Act o Bayanihan 1 ang procurement ng gobyerno ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Nilinaw ng Pangulo na epektibo na ang bayanihan 1 nang bumili ang procurement service ng Department of Budget and Management ng face masks sa presyong P27 kada piraso mula sa Pharmally.
Niresbakan naman ng Pangulo si Senador Pangilinan na nagsabing hindi pa umano epektibo ang nasabing batas nang gumulong ang procurement.
Hindi na anya dapat pang kuwestyunin ni Pangilinan ang procurement gayong dumaan naman sa kanilang mga mambabatas ang Bayanihan 1.
Ipinunto pa ni Pangulong Duterte na buhay ang nakasalalay sa procurement kaya’t hindi nag-aksaya ng oras ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa pharmally.—sa panulat ni Drew Nacino