Nadagit ng Meralco bolts ang 2nd spot at twice-to-beat advantage sa 2021 PBA Philippine Cup Quarterfinals matapos malusutan ang NLEX road warriors, sa score na 104-101 sa crucial game kahapon.
Liyamado ang bolts ng mahigit 20 points subalit nahabol ito ng nlex sa kanilang paghaharap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Nanguna sa panalo ng bolts sina Allein Maliksi na nagpaulan ng 22 points at Alvin Pasaol na sumalaksak ng 17 points upang ipako ang kartadang 8-2.
Haharapin naman ng Meralco sa kanilang huling laban sa eliminations ang Barangay Ginebra Gin Kings, mamaya. —sa panulat ni Drew Nacino