Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan si Senator Richard Gordon dahil sa iregularidad sa paggamit ng public funds noong chairman ito ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Sa kanyang talk to the people kagabi, ibinunyag ni Pangulong Duterte na hindi pa ibinabalik ni Gordon ang perang nasilip ng Commission on Audit.
Ayon sa Pangulo, ibinulsa ni Gordon ang bahagi ng kanyang priority development assistance fund at inilipat sa Philippine Red Cross.
So I would like to inquire from the ombudsman if there is a case filed against you because lahat na na-disallow and the money was not returned. And the money was not used in the right way. So, bakit hindi mo pa nabayaran ito? Question ka nang question dito. Ibig sabihin ginastos mo, binulsa mo.
Samantala, sinita rin ni pangulong duterte ang pagiging chairman ni gordon ng red cross habang nagsisilbing senador na isa anyang conflict of interest.
Double agent ka. You are not supposed, to me under the law you must give either Red Cross. Kung gusto mong maging senador pa, o senador ka pero hindi ka Red Cross.
Tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte. — sa panulat ni Drew Nacino.