Isang panibagong COVID-19 variant na nadiskubre sa Japan ang kumakalat na sa tatlong states sa US.
Ayon sa US Centers for Disease Control, nasa 10,000 katao na ang tinamaan ng R.1 variant partikular sa Kentucky State.
Taglay ng bagong variant ang mutations mula sa ibang variants of concern o interest na Alpha, Beta, Gamma, Delta, Lambda at Mu.
Napag-alaman din ng CDC na karamihan sa mga tinamaan ay fully vaccinated, indikasyon na hindi tinatablanng COVID-19 vaccine ang R.1 variant.
Nilinaw naman ng ahensya na kailangan pa ng malalim na pag-aaral upang mabatid kung nakahahawa o mabilis makahawa ang bagong uri ng COVID-19. — sa panulat ni Drew Nacino.