Iminungkahi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na simulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 17-anyos sa kalagitnaan ng Oktubre.
Sa talk to the people kagabi, sinabi ni Galvez na mayroong 23.75 milyong suplay ng bakuna ang gobyerno at may inaasahan pang karagdagang 20 million doses ng bakuna na darating sa unang linggo ng Oktubre.
So, we are proposing Mr. President to open up the vaccination of children by the mid of October. Kasi by the mid of October, may additional pa tayong 20 million na darating plus yung 23 million, kayang kaya na po nating i-vaccinate yung 12 million na bata na 12-17 (years old). Pero ang reccomendation po natin mauna muna po yung mga may commorbidities tsaka po yung mga anak ng healthcare workers.
Ayon pa kay Galvez, nakararanas ngayon ang bansa ng “saturation point’ partikular sa National Capital Region at iba pang mga syudad.
So kung paano maubos po natin yung 23.5 million e dapat 800,000 tayo per day. So ngayon po ang daily average lang po natin is only 400,000 a day. And we are experiencing saturation point in NCR and other cities. Meaning parang nagmi-meet na po yung demand tsaka supply. Meaning, kailangan na po natin mag open ng other sectors.
Ang tinig ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. — sa panulat ni Hya Ludivico.