Bahagyang natapyasan pero nananatiling mataas ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa Social Weather Stations o SWS survey noong Mayo at Hunyo.
Nakakuha si Pangulong Duterte ng 65% satisfaction rating noong Mayo at 62% noong Hunyo.
Kumpara ito sa 79% noong Nobyembre 2020 na kanyang pinakamataas na net satisfaction rating sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Sa survey noong Mayo, 75% ang nagsabing kuntento sila sa pamamalakad ng Pangulo; 10% ang hindi kuntento habang 15% ang undecided.
Nito namang Hunyo, 75% din ang kuntento, 13% ang hindi kuntento habang 12% ang undecided.
Samantala, naniniwala si SWS fellow at Political Science Professor Jorge Tigno na ang mataas na satisfaction rating noong Nobyembre 2020 ay maaaring may kaugnayan sa pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa sa panahong ito.—sa panulat ni Drew Nacino