Kinondena ng Bangsamoro parliament ang serye ng karahasan sa Marawi City, Lanao Del Sur at bayan ng Datu Piang, Maguindanao, kung saan ilang buhay ang nawala.
Nanawagan na ang parliyamento sa Office of the Chief Minister maging sa mga constituent local government na bumuo na ng plano upang maprotektahan ang karapatan ng mga biktima.
Hinimok din ang Ministries of Education, local government, public order at safety, at Bangsamoro Human Rights Commission na saklolohan ang mga biktima at bigyang katarungan ang mga ito.
Setyembre 14 nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang mga estudyante ng Mindanao State University-Marawi Campus na sina Hamza Rauf at Omar Zinal habang patungo sa kanilang boarding house.
Noon namang Setyembre 18, isang bomba ang sumabog sa covered court sa Datu Piang na ikinamatay ng isang LGBT member at ikinasugat ng pitong iba pa na sinundan ng isa pang insidente ng pagpatay sa isa ring miyembro ng LGBT.—sa panulat ni Drew Nacino