Naghahanda na ang Department Of Health, Commission on Higher Education at mga paaralan kaugnay sa planong patulungin sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang mga graduating medicine at nursing student, at maging ang mga post-graduate medicine intern.
Nilinaw naman ng gobyerno na boluntaryo ito at kailangang may consent ng estudyante at magulang.
Sinabi ni CHED Executive Director Cinderella Jaro na mahalagang fully vaccinated na ang volunteer at magdeklara kung may comorbidity.
Aniya, kung ano ipinaiiral na safety measures ng LGU’s sa kanilang health workers ay gayundin ang ipatutupad sa mga estudyante.
Maaaring tumao sa registration, magsilbing vaccinator at health screener, o mag-monitor ng post-vaccination area na may supervision ng doktor o nurse, ang mga magboboluntaryong estudyante.
Hindi naman obligado ang LGUs na magbigay ng allowance ngunit hinimok ang mga ito na magbigay ng pagkain at tumulong sa transportasyon ng volunteers.—sa panulat ni Hya Ludivico