Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakabawi ang OFW remittances ngayong taon kahit may pandemya.
Ayon sa BSP, ang OFW remittances sa unang apat na buwan ng 2021 ay pumalo sa 11 billion dollars o 5.1% na mas mataas kumpara sa 10.49 billion dollars noong unang apat na buwan ng nakalipas na taon.
Nanatiling matatag rin ang global remittances sa kabila ng lockdowns partikular sa Gitnang Silangan, Estados Unidos, Europa at iba pang mga bansa. Bumaba lamang ng 2.4% ang OFW remittances noong isang taon kung saan mula 719 billion dollars noong 2019 ay bumaba ito sa 702 billion dollars.
Sa pagtaya ng BSP, posible ang 4% growth sa remittance mula sa OFWs ngayong taon. — sa panulat ni Hya Ludivico.