Walang makapapasok na imported na bigas sa bansa ngayong buwan.
Ito ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan ay dahil harvest season ngayon.
Una nang sinisi ng mga magsasaka ang pagdagsa ng imported rice sa bagsak presyo anilang bentahan ng palay sa ilang lalawigan.
Batay sa monitoring ng Sinag o Samahang Industriya ng Agrikultura, nasa 45 hanggang 50 pesos ang kada kilo ng imported na bigas habang nasa 38 hanggang 40 pesos naman sa lokal na bigas.