Hinimok ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pribadong sektor laban sa mga nagbebenta ng COVID-19 booster shots.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, may mga reklamo silang natatanggap hinggil sa mga ospital na nagbebenta ng booster shot.
Dagdag ni Domingo, kailangan pang puntahan ng enforcement unit ang mga naturang ospital upang ipaalala lamang na hindi maaaring ibenta at hindi pwedeng magbakuna na wala sa guidelines ng Department of Health (DOH).
Aniya, hindi rin maaaring tumanggap ng booster shot na mula sa mga pribadong sektor.
Paliwanag ni Domingo, ang maaari lamang bumili ng naturang bakuna ay ang gobyerno.
Sinabi pa ni Domingo na bago payagang bumili ng bakuna ay kailangan munang sumang-ayon sa Tripartite Agreement na susunod sila sa DOH.