Inihayag ni Senator Bong Go na posibleng makapagsagawa ng limited face to face classes sa ilang programa sa Higher Education Institutions (HEI).
Ayon kay Go, maaari itong gawin sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Dagdag ni Go, kailangan lamang sundin ang mga utos at payo ng mga eksperto sa mga paraan para hindi tumaas ang bilang ng hawaan ng virus sa bansa.
Sinabi pa ni Go na sa lahat ng hakbang na ginagawa ng gobyerno ay palagi nilang inuuna ang pagprotekta sa buhay ng mga Pilipino.
Aniya, kailangan lang mayroong malinaw na protocols na magsisilbing gabay sa mga awtoridad sa pagdedesisyon kung paano isasagawa ang limitadong pagbabalik eskuwelahan.