Dapat na umanong madaliin ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang sa kalagitnaan ng Oktubre.
Iminungkahi ng national task force (NTF) na buksan ang kampanya sa pagbabakuna ng mga menor de edad.
Ayon sa N-T-F, kayang mabakunahan ng gobyerno ang mahigit labing dalawang milyong medor de edad dahil marami narin sa bansa ang mga nabakunahan.
Dagdag pa ng N-T-F, dapat na maging prayoridad sa pagbabakuna ang mga batang may comorbidities o may karamdaman at mga anak ng mga health workers. —sa panulat ni Angelica Doctolero