Nagsagawa ng road reblocking sa National Capital Region ang Department of Public Works and Highways na sinimulan alas-onse kagabi at nagtagal kaninang alas singko ng umaga.
Dahil dito, apektado ang ilang lugar kabilang na ang EDSA Caloocan (southbound), C-5 Road Northbound bago mag Mckinley, España Boulevard kasama pa dito ang iba pang lugar sa Quezon City.
Babalik sa normal ang operasyon sa Lunes ng alas-singko ng madaling araw, September 27, 2021. —sa panulat ni Angelica Doctolero