Marami pa rin ang mga botanteng pumipila sa mga malls para makapagparehistro.
Ilan sa mga aplikante ay naghintay sa linya simula alas 7 ng umaga at natapos ng kanilang rehistro pasado ala 1 ng hapon.
Sinabi ni Pasay Election Officer Ronald Santiago na alas 9 pa lamang ay nagtakda na sila ng cut off dahil mayroon lamang silang dalawang machine para sa proseso ng pagpaparehistro.
Sa mga hindi naman umabot sa cut-off ay binigyan na lamang ng form para makapagproseso sa ibang mall.
Sa kasalukuyan, marami pa talaga ang naghahangad na makapaparehistro para magamit ang kanilang karapatan sa pagboto, yung nga lang sa nakikitang sitwasyon sa mga lugar ng registration parang napipigilan sila dahil nga sa pandemya.
Samantala, pinag-aaralan pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na palawigin pa ang voter registration ng isang linggo.