Hinuli ng mga otoridad ang isang lalaki matapos mameke ng dalawang bungkos o bundle ng pera sa Nueva Ecija.
Kinilala ang suspek na si Teodoro Nepomuceno Carlos, 58-anyos na nahuli sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng intelligence section ng Jaen Police Station at Intel Unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office o.
Sa imbestigasyon, isang under cover Police ang bumili ng dalawang bungkos ng pera mula sa Iraq at Zimbabwe kapalit ng tunay na 1,500 pesos.
Nang magkapalitan na ang suspek at nagpanggap na buyer ay dito na inaresto si Carlos ng mga otoridad.
Nakuha pa sa suspek ang walo pang bungkos ng pekeng pera mula sa Iraq.
Kasong paglabag sa forgeries article 168 o illegal possession and Use of False Treasury or bank notes ang kasong kakaharapin ng suspek na si Carlos.—sa panulat ni Angelica Doctolero