Karagdagang suplay ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa China ang dumating sa bansa nitong linggo.
Pasado alas singko ng hapon nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang eroplanong may dala ng tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief, Secretary Carlito Galvez Jr., ipapamahagi ang nasabing mga bakuna sa region 1, 4-a, 3, 6, 7, 9, at 11.
Sa ngayon ay umabot na sa 69.7 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang dumating sa Pilipinas.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico