Nananatiling problema ang pag-aalinlangan ng karamihan na magpabakuna laban sa COVID-19 sa kabila ng pagdating ng maraming bakuna sa Pilipinas.
Ayon kay NTF Chief Secretary Carlito Galvez Jr., ito ang dahilan kaya’t hindi pa rin naaabot ang kasalukuyang vaccine turnout target ng pamahalaan.
Paliwanag ni Galvez, dapat na matugunan ang vaccine hesitancy dahil sa mga variant ng COVID-19 na banta sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Kailangan pa rin aniya ng puspusang information drive upang maalis ang vaccine hesitancy sa mga Pilipino.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico