Handa si Dating Senador Antonio Trillanes, IV na kumandidato sa pagka-pangulo sa 2022 National Elections.
Ito, ayon kay Trillanes, ay kung hindi mag-anunsyo si Vice President Leni Robredo ng plano nito bago mag-Oktubre 8 o sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy.
Aminado si Trillanes na bagaman suportado niya si Robredo sakaling tumakbo sa mas mataas na pwesto, nakahanda naman siyang humalili sakaling walang maging aksyon ang Bise Presidente.
Una nang inihayag ng Dating Senador na hindi naman kapwa genuine opposition member sina Senators Panfilo “Ping” Lacson, Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno kahit nag-anunsyo na ang mga ito ng kandidatura. —sa panulat ni Drew Nacino