Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa pamilya ng kadete ng PNP Academy na biktima ng hazing.
Ito’y matapos bumisita si Eleazar sa burol ni Cadet 3rd Class George Carl Magsayo sa PNPA Compound sa Silang, Cavite.
Tiniyak din ni Eleazar sa naiwang pamilya ni Magsayo na ibibigay nila ang karampatang tulong gayundin ang mabilsi na resolusyon sa kaso.
Kasabay nito, siniguro rin ni Eleazar sa pamilya magsayo gayundin sa publiko na hindi nila hahayaang mamayagpag sa PNPA ang kultura ng karahasan sa loob ng akademiya.