Muling tiniyak ng Malakaniyang sa mga taga Metro Manila na may masayang pasko pa ring aasahan para sa taong ito.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil sa walumpung porsyento ng mga residente ng ncr ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Roque, ito rin ang dahilan kaya’t mahalagang mabakunahan ang mga Pilipino upang maabot ang tinatawag na population protection mula sa virus.
Gayunman, sinabi ni Roque hindi pa rin ligtas mula sa pagkakahawa ang mga bakunado nang indibiduwal mula sa COVID-19 subalit maliit na lamang ang tsansa na magkaroon sila ng severe hanggang kritikal na kundisyon.