Naglabas na ng panuntunan ang Department Of Health o DOH hinggil sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga paaralan.
Ayon sa DOH, nakapaloob sa panuntunan na hindi dapat lalagpas ng tatlong oras ang klase para sa kinder habang apat at kalahating oras naman para sa grades 1 hanggang 3 at senior high school.
Kailangang bakunado na rin ang mga guro kontra COVID-19 at dapat mahigpit ding ipatupad ang physical distancing.
Nasa 12 lamang din ang papayagan na mag-klase sa loob ng silid-aralan habang 16 lamang para sa grades 1 hanggang 3.
Habang 20 mag-aaral naman mula sa senior high school ang papayagan sa kada classroom.
Limitado lamang din sa dalawang buwan ang pilot testing para sa face-to-face classes na magiging salitan sa tig-isang linggo sa distance learning.