Kabilang ang 17 menor de edad sa mga tinamaan ng COVID-19 sa Mandaluyong City.
Batay sa datos ng Mandaluyong City Health Department nitong Setyembre 26, sa 163 na mga bagong kaso, nabatid na 53 ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 kabilang ang 17 kabataan.
Habang 31 sa mga ito ay asymptomatic, 19 ang nakararanas ng mild symptoms, at tatlo naman ang moderate symptomatic.
Kaugnay nito, 102 sa new COVID patients ay fully vaccinated at walo naman ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kung saan karamihan sa mga ito ay asymptomatic at mild cases.
Sa ngayon, mayroong 1,042 COVID-19 active cases sa Mandaluyong City.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico