May hurisdiksyon ang isang international arbitration panel para dinggin ang kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang mga isla sa South China Sea.
Ayon sa permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands, ang naturang usapin ay umiikot sa karapatan at entitlements gayundin sa status of certain maritime features sa West Philippine Sea.
Naglatag na ng schedule ng arbitration hearings ang tribunal hinggil sa naturang kaso.
Una nang inihayag ng China na walang hurisdiksyon ang panel kaya’t hindi sila dadalo sa anumang arbitration.
By Judith Larino