Irerepresenta ng Rebisco at Choco Mucho ang Pilipinas sa Asian Women’s Club Championship na gaganapin sa Oktubre 1 hanggang 7 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Ang dalawang koponan ay pasok din sa 2021 FIVB Women’s Club Championship na nakaiskedyul sa Disyembre 15 hanggang 19 sa Ankar, Turkey.
Samantala, pamumunuan ni Dindin Manabat, Eya Laure, at Jem Galanza ang Choco Mucho habang sina Kalei Mau, Mj Philips, Ria Meneses, Deanna Wong at Dawn Macandili sa Rebisco, na makakalaban ang koponan na altay ng Kazakhstan, Biyernes alas-7 ng gabi.
Pitong koponan ang kalahok sa tournament kasama ang representatib ng Pilipinas, Kazakhstan at ang host country. —sa panulat ni Airiam Sancho