Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa malaking tulong sa pagbalik normal sa sitwasyon ng bansa ay ang pakikipagtulungan ng publiko sa pagbabakuna.
Ayon sa Pangulo, mas mabilis maibabalik sa normal ang sitwasyon ng bansa kung lahat ng Pilipino ay fully vaccinated na.
Malaking tulong din ito sa pag-angat o pagbalik ng ekonomiya ng bansa matapos bumagsak dahil sa pandemiya.
Aminado naman si Pangulong Duterte na maaaring abutin pa ng ilang taon bago bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao sa bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero