Aprubado na sa botong 196 sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang pagtatayo ng kauna-unahang Mental Health Clinic sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 9980, na ipinanukala ni San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes, magtatayo ng isang mental health clinic na popondohan at pangangasiwaan ng pamahalaang lungsod katuwang ang Department Of Health.
Ayon kay Robes, napapanahon ang pagpasa sa naturang panukala sa gitna ng napakaraming kinakaharap na problemng may kaugnayan sa COVID-19 pandemic.
Una nang inihayag ni DOH – National Health Program Head Prescila Cuevas na lumaki rin ang bilang ng mga Pilipinong dumaranas ng problema sa pag-iisip na aabot na sa halos 3.6 milyon.
Alinsunod sa bill, itatayo ang san Jose Del Monte Mental Wellness Center na magkakaloob ng mga serbisyo, kabilang ang pagbibigay ng payo, therapy, pagpapayo sa krisis at panghihimasok, pagbibigay ng gamot, pagsusuri at pamamahala at group therapy. —sa panulat ni Drew Nacino