Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa general public at sa mga kabataan sa Oktubre.
Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
Kaugnay nito, hinihikayat ni Roque ang mga magulang ag mga maghanda nang ipalista ang kanilang anak para sa pagsisimula ng pagbabakuna.
Una rito, tiniyak ni Pangulong Duterte na mas paiigtingin ng pamahalaan ang vaccination program nito sa susunod na buwan.—sa panulat ni Hya Ludivico