Papalapit na sa pinaka-Dulong Hilaga ng bansa ang bagyong may international name na Mindulle.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,420 kilometers, Silangan ng Dulong Hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kph at pagbugso na hanggang 205 kph at mabagal na kumikilos pa-Hilaga Hilagang-Kanluran.
Inaasahang pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang nasabing sama ng panahon, ngayong araw at posibleng lumabas din ng par sa loob ng 24 oras.
Gayunman, dahil sa direksyong tinatahak ng bagyo, sa mga nakalipas na oras ay posible rin itong hindi pumasok ng bansa.
Wala namang direktang epekto saanmang bahagi ng bansa ang nasabing weather disturbance na papangalananglannie sakaling pumasok ng PAR. —sa panulat ni Drew Nacino