Nadadagdagan ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Batanes.
Ayon sa provincial government, isang 88-anyos na lalaki mula sa kayhuvokan, Basco ang ikalawang COVID-related death sa lalawigan.
Nakapagtala rin ang Batanes ng 41 na mga bagong kaso dahilan para umakyat na sa 451 ang kabuuang active COVID-19 cases.
Pinakamaraming naitalang aktibong kaso sa Basco na may 323, sinundan naman ng Uyugan na may 35 active cases, 30 sa Ivana, 27 sa Mahatao, 19 sa Sabtang at 17 sa Itbayat.
Nadagdagan naman ng 12 ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit kung kaya’t umabot na sa 30 ang total recoveries sa lalawigan.
Sa kabuuan, mayroong 483 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Batanes.—sa panulat ni Hya Ludivico