Dagdag na 339 cases pa ng delta variant ang na-detect ng DOH.
Dahil dito, ipinabatid ng DOH na pumapalo na sa 3,366 ang kabuuang kaso ng delta variants sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga bagong kaso ay mula sa 748 sequenced samples na kinuha mula Abril hanggang Hunyo.
Lumalabas din sa pinakahuling genome sequencing ang 186 beta variant cases, 98 alpha variant cases, siyam na P.3 variant cases at isang gamma variant case.