Prayoridad sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata ang mayroong comorbities.
Ito ang inanunsyo ng Department of Health sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17.
Mapapabilang umano ang mga batang ito sa priority group A3 sa oras na mabakunahan na ang target na populasyon ng mga senior citizen at maging sapat na ang suplay ng bakuna.
Una rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa general population at mga kabataan simula sa Oktubre.