Pinag-aaralan ng DOLE ang pagkakasa ng pansamantalang deployment ban sa Saudi Arabia.
Ito ayon kay director Rolly Francia ng DOLE -information and publication service ay kasunod na rin ng mga report nang pangmamaltrato sa OFWs doon na ang pinakahuli ay naranasan umano ng 16 na Pinoy sa kamay ng employer nilang isang retired military general.
Dalawa sa mga naturang OFW ay nananatili pa sa quarters ng naturang heneral samantalang ang iba ay nakauwi na sa Pilipinas.
Sinabi ni Francis na nakikipag-negosasyon na sila para sagipin ang dalawa pang OFW sa kamay ng nasabing retired general.
Mapipilitan aniyang suspendihin ng gobyerno ang pagpapadala ng ofw sa Saudi kung hindi aayusin ng foreign employers ang kanilang mga patakaran.