Bumaba na ang presyo ng kada kilo ng karneng baboy.
Ayon ito sa bantay presyo price monitoring unit ng Department of Agriculture kung saan ang kasim ay nasa 280 pesos na kada kilo mula sa dating 360 pesos noong Enero.
Ang liempo naman na dating nasa 400 pesos kada kilo ay nasa 340 pesos na ngayon.
Sinabi ng DA na ang frozen pork sa mga palengke ay 60 pesos ng mas mura ang presyo kada kilo kumpara sa fresh pork na nasa 200 pesos kada kilo para sa frozen kasim at 280 pesos sa kada kilo ng frozen liempo.
Gayunman, ipinabatid ng DA na pito lamang mula sa 100 meat stalls na nagbebenta ng frozen pork sa NCR wet markets ang mayroong chillers na requirement sa pagbebenta ng mga nasabing produkto.