Nakatakdang lumagda ng kasunduan ang Armed Forces of the Philippines o AFP at ang Department of Health o DOH para sa pagpapalakas ng health workforce kaugnay ng COVID-19 response.
Ayon kay AFP Surgeon General, Col. Fatima Navarro, sa ilalim ng kasunduan ay ang pagpapadala ng mga military medical personnel sa mga ospital para tumulong sa health workers na nauubos na dahil sa pagkakasakit.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Militar at Pulisya ang pagtulong sa mga health workers sa pamamagitan ng pagpapadala ng military doctors at nurses para alagaan ang mga pasyenteng may COVID.
May limang grupo na aniya ng AFP medical health corps ang nakakalat sa mga ospital sa Metro Manila bukod pa sa medical frontliners ng AFP na itinalaga naman sa mga swabbing at quarantine facilites.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)