Nagpositibo sa covid-19 ang ilang naka-assign sa pagbabakuna sa Naga City.
Ayon kay City Health Officer Dr. Butch Borja, kabilang ito sa problemang kinahaharap nila ngayon kung kaya’t sinisikap nila na hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Napuna kasi ng lokal na pamahalaan ang sistema ng pagbabakuna sa mega vaccination facility Jesse M. Robredo o JMR coliseum.
Minsan umano ay magulo ang pila dahil nagkakahalo ang mga tatanggap ng first dose at second dose kaya’t tumatagal ang pila.
Nangako naman si Incident Management Team Commander Renne Gumba na aayusin ang sistema sa naturang pasilidad.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico