Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko laban sa pagbili ng COVID-19 vaccine online.
Nakasaad sa abiso ng FDA, scam ang mga nagbebenta ng bakuna sa social media at iba pang online selling platform.
Tunay aniyang nakakatawag pansin sa mga buyer dahil maaari ka pang mamili ng brand ng bakuna kung ito ba ay Astrazeneca, Pfizer o Moderna,
Nag-aalok umano ng iba’t ibang packaged deal ang mga scammer na ito sa kanilang ibinebentang bakuna kung saan kailangan munang magbayad ng delivery fee, insurance fee at iba pa nilang singilin bago i-deliver ang produkto, na sa katunayan ay wala namang ide-deliver sa buyer.
Kaugnay nito, nagpaalala ang ahensya na sa ngayon ay tanging mga awtoridad lamang ang maaaring makapagbigay ng bakuna kontra COVID-19.