Tiniyak ni DILG Secretary Eduardo Año na hindi basta-basta makapagpapatupad ng granular lockdown ang isang local executive.
Ito ang nilinaw ni Año sa gitna ng pangambang maaaring magamit ang pagpapatupad ng granular lockdown sa isang lugar upang mapigilang makalabas ang isang kalaban sa politika para mangampanya sa May 2022 elections.
Sa ilalim ng alert level system sa Metro Manila, ang mga local government unit ang may kapangyarihan na magpatupad ng granular lockdowns sa mga COVID-19 hotspot area.
Gayunman, hindi naman anya kontrolado lahat ng mga LGU ang pagpapatupad ng lockdown dahil dadaan ito sa kumpirmasyon ng Regional Inter-Agency Task Force.
Ipinangako naman ng kalihim na mahaharap sa kaso ang mga tiwaling opisyal na mananamantala sa pagpapatupad ng granular lockdown para sa kanilang sariling political interest. —sa panulat ni Drew Nacino