Bukas ang Employees’ Compensation Commission o ECC sa pagbibigay ng sickness benefits sa mga empleyadong magkakaroon ng COVID-19 kahit pa naka “work from home.”
Ayon kay ECC Executive Director Stella Banawis, pinag-aaralan na nila kung maaaring isama sa mga maaaring bigyan ng benepisyo ang mga empleyadong dinapuan ng naturang sakit kahit nasa bahay lang.
Sa ngayon ay maaaring makakuha ng benepisyo sa ilalim ng Employees Compensation Program o ECP ng ECC ang mga empleyado ng pribadong sektor maging sa gobyerno na tinamaan ng COVID-19.
Kabilang sa babayaran ng ECP ang death benefits, cash assistance sa mga nawalan ng sahod, reimbursements ng medical expenses at rehabilitation services.—sa panulat ni Drew Nacino