Posibleng abutin ng P278 million ang jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto para sa bola mamayang gabi.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Ferdinand Rojas, inaasahan na nilang may mananalo na sa multi-milyong pisong papremyo.
Muling nanawagan si Rojas na patuloy na tangkilikin ang PCSO dahil sa bawat pisong taya ay 30 porsyento nito ang mapupunta sa tulong pangkalusugan para sa mga nangangailangan.
“Sa bawat bisa ng pagtangkilik nila na maski na anong produkto ng PCSO, sweepstakes, lotto express, scratch it card, etc., bawat P1 po nito 30 porsyento niyan ay napupunta tulong medical at pangkalusugusan sa ating mga kababayan sa Luzon, Visaya at Mindanao.” Ani Rojas.
Ayon kay Rojas, tuloy tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng mga ambulansya sa mga nangangailangang lokal na pamayanan.
Nakatutok anya sila sa mga liblib na lugar sa Mindanao na nangangailangan ng ambulansya dahil malayo sila sa ospital.
“Napakalayo ng 1 province to another or from one town bago sila makarating sa district hospital ng isang probinsiya, may mga nangangailangan na i-transport dahil kulang ang local facility ng isang barangay at munisipyo.” Pahayag ni Rojas.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit