Kumikilos na ang Special Action Force o SAF ng PNP para paghandaan ang posibleng pagpapakalat ng mga tauhan sa mga tinatawag na election “areas of concern”.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay ang mga lugar na may mataas na antas ng away pulitika at naitatalang karahasan sa tuwing panahon ng halalan.
Kasunod nito, inatasan ni Eleazar si SAF Director P/BGen. Felipe Natividad at ang lahat ng Regional Directors na maglatag ng target hardening measures sa kanilang mga areas of concern.
Pinababantayan na rin ni Eleazar ang mga local Chief of Police ang mga financial district sa posibleng pag-atake ng mga Private Armed Group para lumikom ng pondo na siya namang gagamiting pondo ng mga tiwaling Pulitiko.
Sinabi pa ni Eleazar na ang mahigpit na pagpapatupad nila ng seguridad ngayong panahon ng halalan ay mula sa paghahain ng kandidatura ngayong araw hanggang sa maideklara na ang mga nanalo sa gagawing halalan sa Mayo ng susunod na taon.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9