Nanawagan ang Philippine National Police o PNP sa lahat na iwasan ang mala fiestang paghahain ng Certificates of Candidacy o COC ngayong unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa pambansang posisyon.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, makabubuti kung pagsasabihan ng mga pulitiko ang kanilang mga tagasuporta na iwasan ang pagpunta sa lugar ng filing of COC para maiwasan ang super spreader event.
Bantay sarado ang PNP sa paligid ng tent ng Hotel Sofitel sa Pasay City kung saan idaraos ang filing ng Certificate of Candidacy para sa mga nagnanais tumakbo sa pagka-Pangulo, Bise Presidente, Senador at mga Partylist Representative.
Binilinan ng PNP Chief ang mga nakakalat na pulis na mahigpit na ipatupad ang minimum health and safety protocols kontra COVID-19.
Simula ngayong araw ang paghahain ng kandidatura at tatagal ito hanggang sa Biyernes ng susunod na linggo, Oktubre 8.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9