Pinapayagan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT line-3 ang pagpasok at pagsakay ng mga bisikleta sa tren ng MRT-3.
Ito ay kasunod pa rin ng pagdami ng bilang ng mga manggagawa na gumagamit na ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho sa gitna ng nararanasang pandemya.
Sa abisong inilabas ng Department of Transportation (DOTr) MRT-3, ang mga folding bike pa lamang na may gulong na hindi lalagpas sa 20 inches ang diameter ang pinahihintulutang maisakay sa mga tren.
Pero ayon sa MRT-3 management, maaari din namang mag-iwan ng bisikleta sa mga free bicycle rack na inilagay sa lahat ng istasyon ng MRT-3 mula pa noong July noong nakalipas na taon.
Ang pagpayag na maisakay ang mga bisekleta ay bahagi pa rin ng layunin ng DOTr na isulong ang active transport kabilang na ang paggamit ng bisikleta ngayong panahon ng new normal.