Nananatiling nasa critical risk level pa rin ang healthcare utilization sa tatlong rehiyon sa bansa.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni One Hospital Command Center Medical Director Dr. Marylaine Padlan, na ito ang mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region (CAR), Region 2 at CARAGA.
Aabot naman sa mahigit 100,000 ang bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling pa sa sakit.
Kabilang rin sa nasa high risk level ang Region 4B o MIMAROPA, Region 5 at Region 9.
Sa naturang bilang, nasa 77% ang mild cases, 15% naman ang asymptomatic 2% ang severe cases at 1% naman ang nasa critical condition.