Iginiit ng DOH na “improving” o umaayos ang COVID-19 response ng bansa.
Sa kabila ito ng report ng Bloomberg na tinutukoy ang Pilipinas bilang “worst place to be” sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 3,000 pagbabakuna kada araw noong Marso ay tumaas sa halos isang milyong vaccinations sa ilang pagkakataon.
Bukod dito, sinabi ni Vergeire na nagsimula lamang sa isang laboratory ang bansa para ma-detect ang COVID-19 cases na ngayo’y nasa mahigit 260 laboratories na sa buong bansa.
Nasa average aniya na 70K hanggang 80K COVID-19 tests ang naisasagawa kada araw.
Tiniyak ni Vergeire ang patuloy na pagta-trabaho ng gobyerno at panatilihin ang uri ng response na ginagawa dahil naniniwala silang maayos ang COVID-19 response ng pamahalaan.