Mas makakatipid na ang mga taong hirap makabili ng mamahaling gamot dahil sa nararanasang ubo, sipon at lagnat.
Madalas kasing nakakaranas ng ganitong sintomas ang isang indibidwal lalo na ngayong panahon ng pandemiya.
Ayon sa isang health expert, makakatulong bilang alternatibong paraan o alternatibong gamot ang pagkain ng prutas na mayaman sa vitamin c katulad ng orange, dalandan, pinya, lemon at calamansi.
Malaking tulong din ang palaging pag inom ng walo hanggang sampung basong tubig kada araw.
Dapat din na may sapat na pahinga o tulog ang isang indibidwal upang maiwasang magkasakit. – Sa panulat ni Angelica Doctolero